Handang-handa na ang Commission on Elections (Comelec) para sa idaraos na unang Bangsamoro Parliamentary Elections sa susunod na taon.
Sa kabila ito ng paghahain ng panukalang batas sa Senado na layong ipagpaliban ang halalan sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).
Ayon kay Comelec Chairman George Erwin Garcia, masasayang lamang ang ginagawang paghahanda ng poll body kung hindi matutuloy ang eleksiyon.
Halimbawa rito ang nagpapatuloy ngayon na filing ng certificates of candidacy para sa mga gustong tumakbo sa BARMM election.
Bukod diyan, sa gagawin kasing 2025 Midterm election ay isang makina lamang ang gagamitin para sa National, Local at Parliamentary election.
Dahil dito, nanawagan si Garcia sa Kongreso na linawin na agad kung matutuloy o hindi ang halalan lalo na’t magsisimula na silang mag-imprenta ng mga balota sa susunod na buwan.