Desisyon kung maaari pang makabalik sa peace talk ang NPA sakaling maisabatas ang Anti-Terrorism bill, na kay Pangulong Duterte na

Nasa kamay ni Pangulong Rodrigo Duterte ang desisyon kung maaari pang makabalik sa peace negotiating table ang New People’s Army sakaling maisabatas na ang Anti-Terrorism Bill.

Ito ang binigyan diin sa interview ng RMN Manila ni Presidential Chief Legal Counsel Atty. Salvador Panelo kasunod ng panukala na tukuyin na at ilagay sa Anti-Terrorism Bill ang NPA bilang local communist terrorist.

Kasabay nito, sinabi ni Panelo na ngayong itinuturing nang terorista ni Pangulong Duterte ang NPA, maaaring humiling ang bansa para ideklara ng International Anti-Terrorism Council bilang terorista ang komunistang grupo.


Una nang sinabi sa interview ng RMN Manila ni Presidential Spokesperson Harry Roque na ikino-konsidera ng pamahalaan ang NPA na malaking banta sa seguridad ng bansa lalo na ngayong panahon ng pandemya.

Facebook Comments