Hindi binanggit ni Pangulong Rodrigo Duterte kung magpapatupad ng Martial Law sa Sulu na siyang rekomendasyon ng ilang lider ng Philippine National Police (PNP) at Philippine Army kasunod ng magkasunod na pagsabog sa lugar.
Ayon kay Sulu Governor Abdusakur Tan, sa pagbisita ni Pangulong Duterte, wala itong nabanggit kaugnay sa Martial Law dahil batid ng Pangulo na hindi ito ang solusyon sa terorismo.
Imbes kasi aniya na maghigpit, mas mabuting paigitingin na lamang ang pagbabantay sa mga checkpoint para mapigilan ang pagkalat ng COVID-19.
Facebook Comments