Desisyon kung palalawigin ang ECQ sa Metro Manila, pagpupulungan ng MMC

Posibleng magpulong na bukas o sa miyerkules ang Metro Manila Council (MMC) para pag-usapan ang susunod na quarantine classification sa National Capital Region (NCR).

Ito ay kasabay nang nalalapit na pagtatapos na umiiral na Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa Metro Manila na magaganap ngayong darating na biyernes (August 20).

Ayon kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Benhur Abalos, makikipagpulong din ang MMC sa Department of Health (DOH), economic team at iba pang ahensiya ng pamahalaan.


Ito ay para alamin ang mga dapat na ikonsidera kung palalawigin o hindi ang ECQ sa Metro Manila.

Facebook Comments