Desisyon kung palalawigin ang quarantine status sa Metro Manila at iba pang kalapit na lugar, ilalabas na ng MMC ngayong araw

Ilalabas na ngayong araw ng mga alkalde sa National Capital Region (NCR) ang desisyon kung palalawigin o papalitan ang quarantine status ng Metro Manila.

Ito ay kapag natapos ang umiiral na Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa biyernes, August 20, 2021.

Ayon kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Benhur Abalos, pinagbotohan na ng Metro Manila Council simula kagabi ang irerekomendang status para sa rehiyon.


Matatapos ang botohan ngayong araw.

May hiwalay namang pagpupulong ang Inter-Agency Task Force (IATF) para sa paunang anunsyo ng mga rekomendasyon nito.

Naunang sinabi ng Malacañang na iaanunsyo sa Huwebes ang desisyon ng IATF sa iba-ibang quarantine status sa bansa kasabay ng pagsaalang-alang ng mga apela at rekomendasyon ng mga lokal na pamahalaan.

Facebook Comments