Ipapaubaya na ng Metro Manila Mayors (MMC) sa Inter-Agency Task Force (IATF) ang desisyon para sa susunod na quarantine status na ipatutupad sa National Capital Region (NCR).
Ayon kay MMDA Chairman Benhur Abalos, bagama’t ang MMC ang nakaranas ng malaking epekto ng COVID-19 sa kanilang mga nasasakupan, kailangan pa ring ikonsidera ang kalusugan at ekonomiya ng bansa.
Tinitiyak naman ni Abalos na anuman ang magiging desisyon pagkatapos ng August 20 ay ipagpapatuloy ng mga Local Government Unit (LGU) ang Prevent-Detect-Isolate-Treat-Reintegrate (PDITR) upang mapababa ang kaso ng virus.
Ngayong araw ay magpupulong na ang Department of Health (DOH) at IATF upang pag-usapan ang ilang usapin.
Facebook Comments