Desisyon kung tatakbo sa 2022 national and local elections, iaanunsyo na ni Vice President Leni Robredo sa Oktubre 7

Kinumpirma ng kampo ni Vice President Leni Robredo na sa darating na Huwebes, Oktubre 7 ay malalaman na ang plano nito sa 2022 national at local elections.

Ayon kay Atty. Barry Gutierrez, tagapagsalita ni Robredo, alas-11 ng umaga sa Huwebes gagawin ni Robredo ang anunsyo sa Quezon City Reception House.

Matatandaang noong nakaraang linggo ay humingi ni Robredo ng pang-unawa at dasal mula sa sambayanan para sa kanyang pagdedesisyon.


Nakipag-usap din si Robredo sa kampo nina Sen. Manny Pacquiao at Manila Mayor Isko Moreno Domagoso para sa pagkakaroon ng ‘unified opposition’ pero naghain na ng kanilang kandidatura sa pagkapangulo ang senador at alkalde.

Habang idineklara ng 1Sambayan na si Robredo na kanilang ‘presidential bet.’

Facebook Comments