Desisyon ng appeals chamber ng ICC na ibasura ang interim release ni FPRRD, welcome sa isang rights group

Welcome para sa isang right group ang desisyon ng appeals chamber ng International Criminal Court (ICC) na ibasura ang apelang interim release ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay KARAPATAN Secretary General Cristina Palabay, matagal nang naghintay ang mga biktima ng war on drugs na mag-umpisa ang trial laban kay Duterte dahil sa madugong war on drugs.

Dahil sa desisyon ng ICC, iginiit ng grupo na dapat ay maumpisahan na ang paglilitis sa kaso ng dating Pangulo.

Iginiit ni Palabay na habang naaantala ang pagdinig sa kaso ng dating presidente ay lalong nae-expose ang mga testigo at pamilya sa delikadong sitwasyon.

Matagal na rin daw itong ikinababahala ng pamilya ng mga biktima.

Facebook Comments