Hihintayin lamang ng pamunuan ng Philippine National Police (PNP) sa desisyon ng Commission on Elections (COMELEC) kung kailan itutuloy ang eleksyon sa 12 Barangay sa Tubaran, Lanao del Sur.
Ayon kay PMgen. Valeriano De Leon ng Directorate for Operations, nasa kamay na ng COMELEC ang desisyon hinggil dito.
Handa aniya ang PNP na bigyang seguridad ang mga tauhan ng COMELEC at Department of Education (DepEd) kung kailan gagawin ang Special Election.
Sinabi ni Gen De Leon, na may failure of Election sa lugar dahil 12 sa 21 Barangay ang hindi nakaboto noong araw ng lunes.
Aniya ang problema sa seguridad at hindi pagkakaunawaan sa panig ng mga kandidato at ng Lokal na COMELEC ang dahilan kung bakit hindi natuloy ang botohan sa Lugar.
Pakinggann natin si PMgen. Valeriano De Leon.
Si Gen De Leon ay personal na nagtungo sa nasabing bayan para makita ang tunay na sitwasyon on the Ground.
Samantala sa panig naman ng Armed Forces of the Philippines (AFP) nauna na ring inihayag BGen. Jose Maria Cuerpo II ng 103rd Infantry Brigade ng Phil. Army na inirekomenda nila ang Failure of Election sa ilang Barangay sa Tubaran, Lanao Del Sur.