Nanawagan ang Malacañang sa Metro Manila Mayors na pagkatiwalaan ang Inter-Agency Task Force (IATF) sa desisyon nitong buksan ang mga sinehan sa ilalim ng general community quarantine (GCQ).
Nabatid na ilang alkalde pa rin ang may alinlangan sa pagbubukas ng sinehan dahil sa pangambang magiging superspreader ito ng COVID-19.
Giit ni Presidential Spokesperson Harry Roque, kailangang mabalanse ang pagprotekta sa kalusugan ng publiko at pagbuhay ng ekonomiya.
Ang IATF ay nakikinig sa iba’t ibang rekomendasyon at “whole-of-nation” ang approach ng pamahalaan sa pagtugon sa pandemya.
Ang mga sinehan sa GCQ areas ay hindi bubuksan sa March 1 habang nagpapatuloy ang konsultasyon.
Ang mga Local Government Units ay nag-isyu ng kani-kanilang guidelines sa pagbubukas ng mga sinehan.