Desisyon ng ICC na buksan ang imbestigasyon sa ‘war on drugs’ ng administrasyong Duterte, ikinatuwa ng ilang human rights at progressive group

Ikinatuwa ng ilang human rights at progressive group ang desisyon ng International Criminal Court (ICC) na buksan ang imbestigasyon sa umano’y madugong giyera kontra droga ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon sa grupong Bayan, unang hakbang ito para sa pagkamit ng hustisya at pagpapanagot sa sinumang may kinalaman sa pagpatay.

Habang paliwanag naman ng grupong iDefend at Karapatan, dapat managot si Pangulong Duterte at ang kaniyang mga tauhan.


Maliban sa kanila, sinabi ni dating Senador Antonio Trillanes IV na isa sa mga unang naghain ng komunikasyon sa ICC… na isang hakbang ito para magkamit ng hustisya para sa mga biktima ng extra-judicial killings (EJK).

Habang daan din aniya para sa dating Senador ang desisyon patungong kulungan para kina Pangulong Duterte at mga tauhan nito.

Sa ngayon, pagtitiyak ni Chito Gascon na siyang Chair ng Commission on Human Rights (CHR) na gagawin nila ang tungkuling mag-imbestiga ng human rights violation sa bansa at magpapasya rin kung may hihinging tulong ang ICC.

Facebook Comments