Desisyon ng ICC, tanggap ng pamilya Duterte

Buong pusong tinatanggap ng pamilya Duterte ang desisyon ng International Criminal Court (ICC) na huwag pagbigyan ang hiling na pansamantalang kalayaan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Base ito sa mensaheng inilabas sa kanyang Facebook page ni Davao City 2nd District Representative Omar Duterte, na apo ni FPRRD kay Rep. Paolo Duterte.
Ayon kay Congressman Omar, patuloy nilang susuportahan ang dating Pangulo sa pamamagitan ng araw-araw na pakikipag-usap dito.

Binanggit ni Rep. Duterte na patuloy din silang makikipagtulungan sa mga abogado ni dating Pangulong Duterte para sa pagdepensa laban sa kinakaharap nitong kaso sa ICC.

Si Congressman Omar ay nasa The Hague at kasama ng mga supporters ni FPRRD na nag-antabay sa pasya ng ICC.
Pinasalamatan naman ni Duterte ang lahat ng nagdasal para sa kanilang pamilya.

Facebook Comments