MANILA – Inaasahang ilalabas na sa susunod na linggo ng International Arbitral Tribunal ang desisyon sa inihaing kaso ng Pilipinas laban sa pag-angkin ng China sa malaking bahagi ng West Philippine Sea.Ayon kay u.s. Deputy Secretary of Defense Robert Work – nangangamba sila na kapag lumabas na ang desisyon ay magdeklara ang China ng Air Defense Identification Zone (ADIZ) gaya ng ginawa nila sa East China Sea noong 2013.Ibig sabihin lahat ng eroplanong dadaan sa naturang zone ay kailangang humingi ng permiso sa China.Pero giit ng Amerika – kung magdeklara ang China ng ADIZ sa West Philippine Sea ay hindi nila ito kikilalanin gaya ng hindi nila pagkilala sa ADIZ sa East China Sea.Kasabay naman ng pagdating ni Chinese President Xi Jinping sa Washington para dumalo sa Nuclear Security Summit – sinabi ng Chinese Foreign Ministy – na may karapatan ang anumang sovereign state na nagtatag ng kanilang ADIZ.Kaugnay nito – sinabi naman ni Supreme Court Associate Justice Antonio Carpio na mas malaki pa sa land area ng pilipinas ang inaangkin ng China.Matatandaang nag-imprenta na ang China ng kanilang mapa na may 9 dash line na nagmamarka sa mga teritoryong inaangkin nila sa West Philippine Sea.Giit ni Carpio – nilalalag ng mga linyag ito ang operasyon ng United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS) sa buong West Philippine Sea dahil inaangkin nito pati ang mga sakop ng ibang coastal stateSakaling magdesisyon naman aniya ang tribunal ng pabor sa China – 80 percent ng Exclusive Economic Zone o EZZ ang mawawala sa Pilipinas pati sa Malaysia habang 50 percent Vietnam, 90 porsyento sa Brunei at 30 percent sa Indonesia.Habang hinihintay ang desiyson – Iginiit ni Carpio – na dapat palakasin pa ng gobyerno ang depensa nito at pagtibayin pa ang pakikipag-alyansa sa iba pang mga bansa.Tiwala naman aniya siyang papanigan ng tribunal ang Pilipinas.
Desisyon Ng International Arbitral Tribunal Sa Inihaing Kaso Ng Pilipinas Laban Sa Pag-Angkin Ng China Sa West Philippin
Facebook Comments