Welcome sa pamahalaan ang inilabas na desisyon ng International Chamber of Commerce sa usapin ng 1.1 billion US Dollars na tax case ng Malampaya Consortium.
Ayon kay Energy Secretary Alfonso Cusi, isang magandang development ang desisyon ng ICC dahil magbibigay ito ng daan sa mas maraming exploration at development activities sa bansa.
Paliwanag ni Cusi, matagal na itong kailangan ng bansa upang mas mapalakas pa ang pagpasok ng mga investors na ngayon ay mas magkakaroon na ng matibay na tiwala sa gas industry sa bansa.
Matatandaan na sinabi ni Senate Committee on Energy Senator Sherwin Gatchalian na maganda ang desisyon na ito sa bansa dahil maeenganyo ang mga foreign players para pagsasagawa ng exploration sa bansa.
Sinabi din ni Gatchalian na dapat ay maging agresibo ang pamahalaan sa drill, drill, drill program ng bansa upang magamit ang oil and gas resources ng bansa para makamit ang isang energy independent na Pilipinas.