Desisyon ng kampo ni VP Leni na pabilisin ang canvassing, itinuturing na positive development ng Palasyo

Positive development ayon sa Malacañang ang naging desisyon ng kampo ni Vice President Leni Robredo na wala silang pagtutol sa inclusion ng mga Certificate of Canvass na iva-validate ng Kongreso para sa mga bibilanging boto sa pagkapangulo.

Pahayag ito ni acting Presidential Spokesperson at Communications Secretary Martin Andanar sa gitna ng isinasagawang canvassing ng Kongreso sa mga balota mula sa katatapos lamang na eleksyon 2022.

Ayon kay Secretary Andanar, ang desisyon ng kampo ng bise presidente ay magpapabilis lamang sa proseso ng canvassing.


Aniya, tulad ng una nang sinabi ng Palasyo, mainam na irespeto ng lahat ang resulta ng naganap na halalan at bigyan ng pagkakataon ang mga nagwaging kandidato na isakatuparan ang kanilang mga plataporma at mga ipinangako noong panahon ng kampanya.

Facebook Comments