Hindi makakaapekto sa ginagawang paghahanda ng Philippine National Police (PNP) ang naging desisyon ng Korte Suprema na labag sa konstitusyon ang pagpapaliban sa Barangay at SK Elections (BSKE) sa Oktubre.
Ayon kay PNP Spokesperson PCol. Jean Fajardo sa ngayon tuloy-tuloy ang kanilang preparasyon.
Sa katunayan, mayroon silang on-going na coordination meeting kasama ang Commission on Elections (COMELEC) at iba pang sangay ng pamahalaan upang matiyak na walang magiging problema sa nalalapit na halalan.
Ani Fajardo, may sinusunod silang timeline sa paghahanda sa eleksyon.
Tiniyak din nito na sisiguraduhin nila katuwang ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na magiging maayos ang latag ng seguridad.
Sa ngayon ani Fajardo, abala ang Pambansang Pulisya sa pagsasagawa ng risk at threat assessment na syang magiging basehan nila sa pagrerekumenda sa mga magiging areas of concern sa COMELEC.