Desisyon ng korte laban kay dating Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo at iba pa para sa kasong qualified human trafficking, itinuturing na malaking panalo sa bansa

Maituturing na malaking pagkapanalo sa bansa ang hatol ng korte na guilty laban kay dating alkalde ng Bamban, Tarlac na si Alice Guo at iba pa na sangkot sa human trafficking.

Iyan ang naging pahayag ni dating Undersecretary Gilbert Cruz ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) matapos ang desisyon ng Pasig City Regional Trial Court Branch 167 para sa kasong qualified human trafficking.

Giit ni Cruz na hindi maaaring masalalay ang soberanya ng bansa, lalo na’t ang gagawa nito ay dayuhan pa.

Ayon kay Deputy Prosecutor Olivia Torevillas, ang dahilan ng pagkakahatol sa walong akusado ay guilty beyond reasonable doubt.

Dagdag pa niya, ito ang kauna-unahang pagkakataon na nakapag-convict ang korte para sa kaso ng organizing human trafficking.

Samantala, tuloy-tuloy naman ang pakikipag-ugnayan ng PAOCC sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno para sa mga pending case ng ahensya, ayon kay Usec. Benjamin Acorda.

Facebook Comments