Desisyon ng korte na huwag ipakulong si dating Senador Antonio Trillanes kaugnay sa amnesty-coup case, kinatigan ng Court of Appeals

Pinagtibay ng Court of Appeals (CA) ang naging ruling noon ni Makati RTC Branch 148 Judge Andres Soriano na nagbabasura sa kahilingan ng pamahalaan na muling ipaaresto si dating Sen. Antonio Trillanes IV.

May kaugnayan ito sa pagbuhay sa kanyang coup d’etat case at pagbawi ng pamahalaan sa kanyang amnestiya na pinagkaloob noon ni dating Pangulong Noynoy Aquino.

Ayon sa CA, malinaw naman na nakapag-comply si Trillanes sa mga kondisyon sa application para sa amnestiya kaya walang dahilan para bawiin ang amnesty.


Wala ring nakita ang Appelate Court na pag-abuso sa panig ni Judge Soriano nang una itong magdesisyon na ibasura ang kahilingan ng pamahalaan na pag-aresto kay Trillanes.

Magugunitang unang naghain ng mosyon ang Department of Justice (DOJ) sa Makati RTC para hilingin na buhayin ang kasong kudeta laban kay Trillanes.

Ang naturang kaso ay una nang na-dismiss ng hukuman noong 2011.

Facebook Comments