Welcome sa Malacañang ang desisyon ng Manila Regional Trial Court Branch 41 na ibasura ang petisyon laban Inter-Agency Task Force (IATF), kaugnay sa guidelines nito para sa pagpapabakuna ng onsite workers kontra COVID-19.
Matatandaan na kinukwestyon ng petitioner ang mandatory vaccination para sa mga kawani na pisikal na pumapasok sa kanilang opisina.
Binigyang diin ni acting Presidential Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles na ang tanging hangad lamang ng pamahalaan ay isang ligtas at malusog na kapaligiran at pamumuhay para sa mga Pilipino.
Nakasaad rin sa IATF Resolution na ang mga empleyado na tatangging magpabakuna ay kailangang sumailalim sa regular na RT-PCR test.
At hindi maaaaring maging ground ng kanilang terminasyon sa trabaho ang kanilang vaccination status.
Samantala, kaugnay naman sa pediatric vaccination, nilinaw ng kalihim na kailangan pa rin ng parental consent bago mabakunahan ng COVID-19 vaccine ang mga menor de edad.
Ayon kay Secretary Nograles, tinanggal na ang probisyon na nagsasaad na ang pamahalaan ay maaaring magbigay ng consent sa mga edad 5-11 taong gulang na willing magpabakuna laban sa COVID-19.