Desisyon ng korte sa kaso ni dating Senadora Leila de Lima, simbolo ng demokrasya sa bansa ayon sa DOJ

Naniniwala si Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na gumagana ang sistema ng hustisya at demokrasya sa ating bansa.

Ito ay kaugnay sa nangyaring pag-abswelto ng Muntinlupa Regional Trial Court (RTC) sa kaso ni dating Senadora Leila de Lima na may kaugnayan sa iligal na droga.

Ayon kay Remulla, maganda para sa bansa ang nasabing desisyon dahil dito nakikita ang takbo ng demokrasya sa Pilipinas.


Sinabi ng kalihim na hindi pa niya nababasa o nakikita ang nasabing desisyon ng korte.

Paliwanag pa ni Remulla, nasa korte na rin daw ang pagpapasiya kung papayagana ang dating senadora na makapagpiyansa.

Muli rin inihayag ng kalihim na ipinaubaya na nila ang lahat sa public prosecutors at hindi na nila ito pinakialaman pa.

Facebook Comments