Kinatigan ng Department of Justice (DOJ) ang naging conviction ng Taguig City Regional Trial Court laban sa model na si Deniece Millinette Cornejo, businessman Cedric Cua Lee, Ferdinand Guerrero, at Simeon Palma Raz, Jr.
Kaugnay ito ng kasong serious illegal detention for ransom na isinampa ni TV host actor Ferdinand “Vhong” Navarro kung saan nahatulan ng Reclusion Perpetua ang mga akusado.
Ayon kay Justice Sec. Crispin Remulla, ang nasabing conviction sa grupo ni Lee ay patunay na walang kinikilingan ang batas sa paggawad ng hustisya kahit pa ang nasasakdal ay sikat o mayaman.
Si Simeon Raz ay nasa Reception and Diagnostic Center na ng New Bilibid Prison sa Muntinlupa City habang si Deniece Cornejo ay nasa kustodiya na ng Correctional Institution for Women sa Mandaluyong City.
Kusa namang sumuko sa National Bureau of Invistigation (NBI) si Cedric Lee.
Sa desisyon ng korte, napatunayan na hindi totoo ang akusasyon ng grupo ni Lee na hinalay daw ni Navarro ang modelo.