Desisyon ng Korte Suprema kaugnay sa martial law sa Mindanao, inaasahang ilalabas na ngayong araw

Manila, Philippines – Nakatakda nang ilabas ngayong araw ng Supreme Court ang kanilang desisyon hinggil sa mga petisyong kumukwestyon sa legalidad ng proclamation 216 o martial law ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Mindanao.

Boboto ngayon ang SC En Banc hinggil sa petisyon laban sa martial law ni Pangulong Duterte.

Ang mga naghain ng petisyon sa sc laban sa pagdedeklara ng martial law ay sina Albay Rep. Edcel Lagman, Rep. Tomasito Villarin, Rep. Emmanuel Billones at Rep. Tedy Baguilat Jr. habang may hiwalay na petisyon din sina Act Partylist, Gabriela Party list at Kabataan Partylist at 4 na kababaihan na residente ng Marawi City.


Hiniling ng mga petitioners sa SC na utusan ang kamara at senado na magdaos ng joint session at busisiin ang idineklarang martial law ni Duterte.

Bukod sa mga kongresista, naghain din ng hiwalay na petisyon sina former Sen. Rene Saguisag, former COME­LEC Chairman Christian Monsod, former CHR Chairperson Etta Rosales, former Philhealth President Alex Padilla, Atty. Rene Gorospe at detained Sen. Leila de Lima.

Facebook Comments