Hindi pa pormal na naisisilbi sa Energy Regulatory Commission (ERC) ang desisyon ng Korte Suprema na nagpapatibay sa kautusan ng ERC na nagpapahintulot sa Manila Electric Company na magpataw ng dagdag singil sa consumers.
Kaya naman sinabi ni ERC Chairperson Agnes Devanadera na hindi agad maipatutupad ang naturang SC ruling.
Ayon pa kay Davanadera, sakaling opisyal nang maisilbi ang kautusan sa ERC, maaari pa rin silang maghain ng motion for reconsideration.
Sa dikit na botong 6-5, ibinasura ng kataas-taasang hukuman ang magkakahiwalay na petisyon ng Bayan Muna at National Association of Electricity Consumers for Reforms laban sa ERC.
Hindi nakitaan ng Korte ang ERC ng grave abuse of discretion nang payagan ang Meralco para sa staggered power rate increases sa mga consumer nito na nasa ₱22.54 billion na generation o recovery cost.