Thursday, January 22, 2026

Desisyon ng Korte Suprema na pagtibayin ang hatol laban sa mga pulis na sangkot sa kaso ni Kian delos Santos, welcome sa PNP

Welcome sa Philippine National Police (PNP) ang desisyon ng Korte Suprema na pagtibayin ang hatol laban sa mga pulis na sangkot sa kaso ni Kian delos Santos.

Matatandaan na nasawi ang nasabing 17 taong gulang na binata noong 2017 ,kasagsagan ng kampanya kontra droga kung saan pangunahing salarin rito ang tatlong pulis.

Hinatulan ng Second Division ng Korte Suprema sina Arnel Oares, Jeremias Pereda, at Jerwin Cruz na guilty beyond reasonable doubt sa pamamaslang o murder kay Kian Delos Santos.

Kung saan sila ay sinintensyahan ng reclusion perpetua, o hanggang 40 taon ng pagkakabilanggo.

Bukod dito ay inatasan din ang mga nasabing pulis na magbayad sa mga naulila ng nasabing biktima ng tig-75,000 sa civil indemnity, moral damages, exemplary damages, at ₱50,000 bilang temperate damages, na may 6 na porsiyentong interes kada taon sa lahat ng halaga mula sa petsa ng pagiging pinal ng desisyon hanggang sa ganap na mabayaran.

Tiniyak naman ni PNP Acting Chief Lt.Gen. Jose Melencio Nartatez Jr., na palalakasin ng ahensya ang pananagutan sa loob ng kanilang hanay, at maghahatid ng hustisya sa lahat ng biktima ng mga iligal na gawain.

Facebook Comments