Desisyon ng Korte Suprema na suspendihin ang BARMM elections, nirerespeto ng Malacañang

Kinikilala ng Office of the President ang desisyon ng Korte Suprema na ipawalang-bisa ang mga batas ng Bangsamoro Transition Authority (BTA) ukol sa redistricting, na nagresulta sa pagkansela ng kauna-unahang Bangsamoro Parliamentary Elections na nakatakda sana sa Oktubre 13, 2025.

Ayon sa Malacañang, ang desisyong ito ay mahalagang hakbang upang matiyak na ang halalan sa BARMM ay maisasagawa sa matatag na batayan ng Konstitusyon at batas.

Tiniyak din ng palasyo na mananatili ang suporta ng administrasyon sa mga institusyong may mandato sa ilalim ng batas para maisakatuparan ang demokratikong mithiin ng mga mamamayan ng Bangsamoro.

Bahagi rin ito ng layunin ng pamahalaan na makamit ang makatarungan at pangmatagalang kapayapaan sa Mindanao na nakaugat sa tunay na awtonomiya, mahigpit na pagsunod sa rule of law, at ganap na paggalang sa karapatan ng bawat mamamayan na bumoto.

Facebook Comments