
Naniniwala si Senator Ronald “Bato” dela Rosa na may gabay ng banal na espiritu ang naging desisyon ng Korte Suprema sa impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte.
Sa naging ruling ng Supreme Court en banc, idineklarang unconstitutional o labag sa saligang batas ang articles of impeachment laban kay VP Sara dahil sa nilalabag dito ang one-year bar rule.
Sa social media post ni Dela Rosa, sinabi niyang may gabay ng Holy Spirit nang magmosyon siya para sa dismissal ng impeachment complaint laban sa bise presidente.
Ngayon aniya na nagdesisyon ang Korte Suprema na unconstitutional ang impeachment case na inihain ng prosekusyon, naniniwala siyang may patnubay rin ito ng Holy Spirit.
Hindi man tinukoy, sinabi pa ni Dela Rosa na tinalo ng Holy Spirit ang mga pwersa ng kasamaan matapos ang naging pasya rito ng Korte Suprema.









