Thursday, February 5, 2026

Desisyon ng Korte Suprema sa legalidad ng ICI, patunay ng malinis na hangarin ni PBBM na tuldukan ang korapsyon

Pinatunayan ng desisyon ng Korte Suprema na tama at may mabuting hangarin ang hakbang ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa paglikha ng Independent Commission for Infrastructure (ICI).

Ito ang pahayag ng Palasyo matapos ibasura ng Korte Suprema ang petisyong kumukuwestiyon sa legalidad ng ICI.

Ayon kay Palace Press Officer at PCO Undersecretary Claire Castro, malinaw na ipinapakita ng desisyon ng Korte Suprema ang layunin ng Pangulo na imbestigahan ang mga maanomalyang flood control projects at papanagutin ang mga naglustay at nanamantala sa pondo ng bayan.

Dagdag pa ni Castro, obligasyon ng administrasyon na linisin ang gobyerno laban sa abuso sa pera ng taumbayan.

Ito aniya ang dahilan kung bakit nilikha ng Pangulo ang ICI sa pamamagitan ng Executive Order No. 94 na nagtatatag sa ICI para magsiyasat sa mga anomalya sa mga flood control project ng pamahalaan.

Facebook Comments