MANILA – Posibleng ilabas ngayong araw ng Korte Suprema ang desisyon nito ukol sa mga petisyon laban sa pagpapalibing kay Dating Pangulong Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani.Ito’y dahil sa mapapaso na ang pinalawig na status quo ante order na pumigil sa paghahanda sa paghihimlay ng yumaong pangulo.Matatandaang pinasalamatan ni Pangulong Rodrio Duterte si Ilocos Norte Governor Imee Marcos dahil sa mga naitulong nito noong nakaraang kampanya.Iginiit ni Etta Rosales, dating Commissioner on Human Rights Chairperson at biktima ng Martial Law, bayad utang lang ang kapalit ng malaking campaign contribution ng mga Marcos sa desisyon ni Pangulong duterte para sa hero’s burial ng dating pangulo.Nilinaw ng gobernadora nagbibiro lamang ang Pangulong Duterte at hindi totoo na nagbigay siya ng pera sa kampanya nito.Pakiusap naman ni Governor Imee, magkapatawaran na at kalimutan na ang mga nangyari noong Martial Law.Una nang sinabi ni Pangulong Duterte na igagalang niya ang anumang desisyon sa magiging deliberasyon ng Kataas-Taasang Hukuman.
Desisyon Ng Korte Suprema Sa Pagpapalibing Kay Dating Pangulong Ferdinand Marcos Sa Libingan Ng Mga Bayani, Posibleng Il
Facebook Comments