Desisyon ng Korte Suprema sa SIM registration, malaking tulong para mas maengganyo ang publiko na irehistro ang kanilang mga SIM

Tiwala si Senator Grace Poe na malaking tulong ang desisyon ng Korte Suprema para mas mahimok ang publiko na magparehistro ng kanilang mga SIM.

Ang reaksyon ng senadora ay kasunod ng pagbasura ng Supreme Court sa apela na pahintuin ang SIM registration.

Ayon kay Poe, may-akda at sponsor ng batas sa Senado, dahil sa kautusan ng Korte Suprema ay pinapatunayan lamang ang pangangailangan na mairehistro ang lahat ng SIM para sa proteksyon ng mga subscriber.


Kasabay nito, hinimok ni Poe ang lahat ng ahensya ng gobyerno at telecommunications companies na ipatupad ang 5G speed at bilisan pa ang aksyon upang maiparehistro ang lahat ng SIM.

Ipinareresolba rin ni Poe sa lalong madaling panahon ang mga nagiging problema sa SIM registration tulad ng kawalan ng government ID ng ilang users kaya hindi na nila itinutuloy ang pagrerehistro.

Facebook Comments