Desisyon ng Korte Suprema sa Wikang Filipino, idudulog sa Kongreso

Naniniwala ang Komisyon ng Wikang Filipino na hindi natatapos sa desisyon ng Korte Suprema para hindi maisulong ang pagtuturo o pagpapayabong ng wikang Filipino sa tertiary sa harap ng memorandum 20 ng Commission on Higher Education.

 

Ayon sa tagapangulo ng Komisyon na si National Artist Virgilio Almario, naniniwala sila na hindi intensyon ng Supreme Court na buwagin ang mga programang Filipino sa Tertiary Education kaya posibleng dumulog sila sa Kongreso.

 

Partikular ang pagkakaroon ng amendments at pagdagdag ng probisyon sa Republic Act 7104 o Commission on the Filipino Language Act.


 

Kaugnay nito, hinimok ng komisyon ang lahat ng kolehiyo at unibersidad na sumunod sa nakasaad sa 1987 Constitution na gamitin ang wikang Filipino at tumulong sa pagsusulong sa paggamit ng Filipino sa mga academic disciplines.

Facebook Comments