Umani ng komento ang pahayag ng Korte Suprema ukol sa umano’y pambabalewala ng Isang pribadong paaralan sa Dagupan City sa isang insidente ng bullying.
Sa facebook page ng Supreme Court, nakasaad ang desisyon ni Associate Justice Mario Lopez ukol sa pananagutan ng Mother Goose Special School System Inc. na umano’y nabigong tugunan ang panununtok dalawang estudyante sa kapwa nito noong 2007.
Inatasan ng mataas na hukuman ang paaralan na magbayad ng PHP 650,000 bilang bayad sa danyos at abogado ng mga complainant.
Ilang netizen ang nagpahayag ng reaksyon kung saan ipinanawagan ng mga ito na kinakailangan gumawa ng aksyon ang mga paaralan upang mawakasan ang bullying sa buong bansa.
Sinusubukang makipag ugnayan ng IFM News Dagupan sa nasabing paaralan para sa kanilang pahayag. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments









