Desisyon ng LTFRB na suspindihin ang operasyon ng Uber, suportado at iginagalang ng Palasyo

Manila, Philippines – Iginagalang ng Palasyo ng Malacañang ang naging desisyon ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB kaugnay sa pagsuspinde sa serbisyo ng Uber ng isang buwan.

Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, naiintindihan ng pamahalaan ang sentimyento ng mga tumatangkilik sa Uber pero kailangan aniyang igalang ang patakaran ng LTFRB bilang ahensiya ng Pamahalaan na nangangasiwa sa mga pampublikong sasakyan.

Sinabi ni Abella, umaasa sila na maisasaayos na ang nasabing isyu sa lalong madaling panahon para na rin sa kapakanan ng publiko o ng mga commuters.


Facebook Comments