Desisyon ng Manila RTC sa kaso ng CPP-NPA, pag-aaralan ng DOJ

Hindi pa pinal ang desisyon ng Manila Regional Trial Court o RTC Branch 19 na nagbabasura sa kaso ng gobyerno na nagpapadeklara sa Communist Party of the Philippines-New People’s Army o CPP-NPA na isang teroristang grupo.

Ayon kay Prosecutor General Benedicto Malcontento, pag-aaralan ng kanilang panel ang mga ligal na hakbang sa nasabing desisyon.

Sa 135 pahinang resolusyon ni Presiding Judge Maro Magdoza-Malagar, “dismissed” ang proscription case ng DOJ na nagsusulong na ideklarang teroristang grupo ang CPP-NPA.


Ang kaso ay isinampa noong 2018, sa ilalim ng Section 17 ng Human Security Act of 2007.

Facebook Comments