Desisyon ng mga eksperto hinggil sa pagtuturok ng booster shots sa Pilipinas, posibleng ilabas sa susunod na linggo

Posibleng sa susunod na linggo ay maglabas na ng desisyon ang Vaccine Expert Panel (VEP) ng Department of Science and Technology (DOST) tungkol sa pagtuturok ng COVID-19 booster shots.

Sa isang pinayam, sinabi ni VEP Chairperson Dr. Nina Gloriani na maraming bagay silang ikinokonsidera sa posibleng paggamit ng pagbibigay ng booster shots.

Sakaling payagan, nilinaw ni Gloriani na uunahin ulit na maturukan nito ang mga healthcare workers.


Una nang sinabi ni Vaccine Czar Carlito Galvez Jr. na nakikipagnegosasyon na ang gobyerno sa apat na manufacturer para sa suplay ng COVID-19 booster shots.

Hindi niya tinukoy kung ano-anong manufacturers ito pero nagpasabi na ang Chinese pharmaceutical firm na Sinovac na magdo-donate ng 500,000 booster doses para sa medical workers.

Ayon kay Galvez, hinihintay na lamang nila ang abiso ng World Health Organization, VEP at ng National Immunization Technical Advisory Group (NITAG) hinggil dito.

Facebook Comments