Desisyon ng mga korte sa mga kaso, idadaan na rin sa electronic transmission

Oobligahin na ng Korte Suprema ang mga abogado na magbigay ng kanilang email address sa mga korte.

Ito ang inanunsyo ni Supreme Court Chief Alexander Gesmundo sa ginanap na Media Training ng Kataas-Taasang Hukuman para sa mga kagawad ng Media na nagko-cover sa Hudikatura.

Kasabay ito ng idinaos ng Supreme Court En Banc Session sa Baguio City ng mga mahistrado ng High Tribunal.


Ayon kay CJ Gesmundo, layon nito na mapabilis ang pagtransmit ng court decisions ng mga kaso.

Kadalasan aniya kasing nauuna pang mailathalata sa mga pahaygaan ang mga resoluston sa kaso, pero ang mga partido ay wala pang natatanggap na kopya ng desisyon ng hukuman.

Ang hakbang ng Korte Suprema ay bahagi pa rin ito ng pagsusulong ng Hudikatura na mapabilis ang pagresolba sa mga kaso sa pamamagitan ng Information Technology at nang mabawasan ang backlog sa mga pending na kaso sa mga korte.

Nilinaw naman ng Hudikatura na ang naturang anunsyo ay dadaan pa sa Pag-apruba ng Supreme Court En Banc.

Facebook Comments