Desisyon ng mga residente sa Mindanao tungkol sa BOL, dapat igalang

Manila, Philippines – “Walang pilitan”

Ito ang binigyang diin ni Senator Koko Pimentel kasabay ng ilang pagkontra sa isinusulong na Bangsamoro Organic Law (BOL).

Sa interview ng RMN Manila kay Senator Koko Pimentel – hayaan ang botante ang magpasya kung gusto nila ang isinusulong na bagong porma ng ARMM.


Anuman aniya ang magiging desisyon ng taumbayan ay nararapat lamang itong igalang.

Pero iginiit din ni Pimentel ang benepisyong makukuha ng isang Local Government Unit (LGU) kapag sumali ito sa bagong Bangsamoro government.

Layunin ng BOL na ilapit sa mga LGU ang national government.

Umaasa si Pimentel na magiging matiwasay ang pagsasagawa ng plebisito.

Facebook Comments