Itutuloy ng Commision on Elections (Comelec) ang kanilang pagkakaso sa sinibak na alkalde ng Bamban, Tarlac na si Alice Guo.
Sa kabila ito ng desisyon ng Office of the Ombudsman na alisin sa puwesto si Guo dahil sa pagiging guilty sa grave misconduct.
Sa hatol ng Ombudsman, perpetually disqualified na rin si Guo sa pagtakbo sa anumang posisyon sa gobyerno.
Samantala, paglilinaw naman ni Garcia pwede pa ring maghain ang lahat ng kanilang Certificate of Candidacy (COC) sa darating na halalan kahit ang mga may kaso.
Pero desisyon na aniya ng poll body kung tatanggalin o hindi ang mga ito sa kandidatura gaya ng ginagawa sa mga kaso ng idinedeklarang nuisance candidates.
Iginagalang din daw ng Comelec ang desisyon ng Ombudsman lalo na at wala namang inilalabas na Temporary Restraining Order (TRO) mula sa Court of Appeals.