Desisyon ng Ombudsman sa kasong administratibo ni dating MRTA General Manager Al Vitangcol III, pinagtibay ng Court of Appeals

Manila, Philippines – Pinagtibay ng Court of Appeals (CA) ang ruling ng Office of the Ombudsman kung saan lumalabas na may pananagutan si dating Metro Rail Transit Authority (MRTA) General Manager Al Vitangcol III sa kasong administratibo.

May kaugnayan ito sa sinasabing tangkang pangingikil ni Vitangcol ng 30-million US dollars at tangkang partnership sa isang Czech company na nagsu-supply ng light rail vehicles (LRVs).

Sa desisyon ng Appellate Court, lumalabas na guilty si Vitangcol sa two counts ng grave misconduct, serious dishonesty, at unlawful solicitation.


Ang katapat nitong parusa ay dismissal from service with cancellation of eligibility, forfeiture ng retirement benefits at perpetual disqualification from holding office.

Si Vitangcol ay una nang nag-resign sa kanyang puwesto noong May 27, 2014

Facebook Comments