Naniiwala ang Palasyo ng Malacanang na posible pang magbago ang desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte patungkol sa sinabi nitong hindi makikialam sa laban sa pagka speaker sa Kamara.
Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel at Presidential Spokesman Secretary Salvador Panelo, posibleng tumulong si Pangulong Duterte sa pagresolba sa problema sa Kamara kung lalapit ang mga Speaker Aspirants sa Pangulo.
Paliwanag ni Panelo, posibleng magbago ang isip ng Pangulo na huwang makialam sa issue ng speakership depende sa magiging latag ng mga pangyayari.
Kasaby nito ay binigyang diin din naman ni Panelo na hindi maituturing na panghihimasok sa lehislatura ang posibleng pagtulong ng Pangulo sa gulo.
Sinabi din ito na kung si Pangulong Duterte lamang ang masusunod ay maglabo-labo nalang sa labanan sina Congressman Lourd Alan Velasco, Alan Peter Cayetano, Martin Romualdez at Isidro Ungab.