Manila, Philippines – Suportado rin ng Department of National Defense ang naging desisyon ng Pangulong Rodrigo Duterte na hindi na muli pang isulong ang formal peacetalks.
Ito ay matapos ang naging pahayag ng Pangulo na ayaw niya nang makipag-usap pa sa CPP NPA NDF dahil sa patuloy na pag-atakeng ginagawa ng NPA sa tropa ng pamahalaan, pangongotong at pagkakasangkot sa iba pang illegal activities.
Naniniwala si Defense Secretary Delfin Lorenzana na ginagawa lamang ng Pangulong Rodrigo Duterte ang nararapat para sa pagkakaroon ng pang matagalan kapayapaan sa Mindanao.
Nakakalungkot man ayon kay Lorenzana na itinigil ang usapang pangkapayapaan.
Pero hindi naman daw maaaring palagi na lamang tila nananadya ang NPA at patuloy na naghahasik na gulo.