Umapela si Committee on Health Chairman Senator Christopher Bong Go na irespeto ang desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na patuloy na pagkatiwalaan si Health Secretary Francisco Duque III at huwag palitan sa pwesto.
Sa totoo lang, ayon kay Go, nangingiyak na si Secretary Duque at gusto na talagang bumitaw dahil sa mga kritisismo.
Sang-ayon din si Go sa rekomendasyon ng Senado ukol sa mga katiwalian sa PhilHealth kung saan pinapakasuhan at pinapapalitan na sa pwesto si Duque.
Pero dapat aniya ay hayaan ang Pangulo na magpasya bilang sole appointing authority kung ano ang dapat gawing pagbabago sa kanyang gabinete.
Mainam din para kay Go na hintayin ang magiging kabuuang resulta ng imbestigasyon ng task force sa mga anomalyang nangyayari sa PhilHealth na planong isumite sa Pangulo sa September 14.
“Health Secretary Duque still has the trust and confidence of the President and we must respect that. Sa totoo lang po, nangingiyak na po si Secretary Duque at gusto na talagang bumitaw. Ginagawa naman po ng DOH ang lahat ng kanilang makakaya para magampanan ang kanilang mandato lalo na sa panahon ngayon na mayroong health crisis tayong hinaharap.
Ukol naman sa mga alegasyon laban kay Secretary Duque, hinihintay rin muna natin ang magiging kabuuang resulta ng imbestigasyon ng task force sa mga anomalyang nangyayari sa PhilHealth” pahayag ni Senator Christopher Bong Go.