Manila, Philippines – Ikinalungkotng Philippine Animal Welfare Society (PAWS) ang desisyon ng Pasig CityProsecutor’s Office na ibasura ang reklamong inihain nila laban sa direktor atproducers ng pelikulang oro dahil sa eksenang pagkatay sa aso.
Inireklamo ng PAWS angdirektor ng Oro na si Alvin Yapan at mga producer nitong sina JaneGonzales, Mark Shandi Bacolod, at Arriande Dulay dahil sa paglabag sa animalwelfare act.
Sa inilabas na officialstatement ng nasabing grupo. Naninindigan silang kailangang may managot saanimal cruelty na nakapaloob sa pelikula.
Hindi rin daw silatitigil upang mabago ang ibinabang desisyon sa kanilang reklamo.
Wala naman nagingkomento ang mga nasa likod ng naturang pelikula na naging entry sa Metro ManilaFilm Festival (MMFF).
Desisyon ng Pasig City Prosecutor’s Office na ibasura ang reklamong inihain laban sa direktor at producers ng pelikulang Oro, ikinalungkot ng PAWS
Facebook Comments