Desisyon ng PET sa VP recount, masusubok ang electoral process at justice system ng bansa – Robredo

Manila, Philippines – Naniniwala si Vice President Leni Robredo na ang nalalapit na desisyon ng Supreme Court electoral protest ng nakatunggali niya na si Bongbong Marcos ay susubok sa electoral process at justice system ng bansa.

Sa isang kalatas pambalitaan, sinabi ni Vice President Leni Robredo na malaking impact ang idudulot ng gagawing botohan ng Supreme Court na umuupo bilang Presidential Electoral Tribunal o PET.

Kabilang aniya rito ang epekto nito sa credibility ng 2016 elections na nagpanalo ng maraming bilang ng mga incumbent national officials, kasama na si Pangulong Rodrigo Duterte.


Nakatakdang magbotohan ang mga miyembro ng PET matapos na makumpleto na ang initial recount ng tatlong pilot provinces na tinukoy ni Marcos tulad ng Camarines Sur, Negros Oriental at Iloilo.

Bagamat kumpiyansa si Robredo na magiging paborable sa kaniya ang ibababang desisyon ng PET, hindi niya maiwasan na kabahan  dahil nagke-claim na umano ng tagumpay ang kampo ng mga Marcos.

Facebook Comments