Manila, Philippines – Susunod lamang ang pamunuan ng Philippine National Police sa kung ano ang magiging desisyon ng Pangulong Duterte kaugnay sa peacetalks sa pagitan ng CPP NPA NDF.
Ayon kay PNP Chief Ronald Dela Rosa kung sasabihin ng Pangulo na ituloy ang peacetalks sasang-ayunan nila ito pero kung hindi papabor ang Pangulo ganun na rin ang kanilang magiging desisyon.
Pero kung personal siyang tatanungin mas gugustuhin niya raw ang kapayapaan ngunit hindi daw dapat maagrabyado ang kanyang mga tauhan.
Hindi raw ito maari dahil lalaban sila.
Kahapon, una nang kinansela ng Pangulong Rodrigo Duterte ang backchannel talks sa pagitan ng CPP NPA NDF na nakatakda sa mga susunod na araw kasunod ito ng kanilang ginawang pagatake sa Palawan at North Cotabato.