Desisyon ng Reporters Without Borders na isama si Pangulong Rodrigo Duterte sa listahan ng Press Freedom Predators, inalmahan ng Palasyo

Kulang sa merito ang desisyon ng Reporters Without Borders (RSF) na isama si Pangulong Rodrigo Duterte sa listahan ng “Press Freedom Predators”.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, kahit ang International Criminal Court (ICC) na gustong mag-imbestiga sa administrasyon ni Pangulong Duterte dahil sa drug war ay kumukuha lamang sa mga media outlets na kritiko ng gobyerno.

Paglilinaw pa ni Roque, buhay na buhay ang press freedom sa bansa dahil nagagawa pa rin namang punahin ang administrasyon.


Hindi rin aniya dapat sisihin ang pangulo sa pagsasara ng ABS-CBN at revocation ng license to operate ng Rappler.

Matatandaang kahapon ay inilabas ng RSF ang listahan ng 37 na world leaders na banta sa press freedom ng kanilang mga bansa.

Facebook Comments