Desisyon ng Sandiganbayan sa kasong-sibil kaugnay sa nakaw na yaman ng pamilya Marcos, pinagtibay ng Korte Suprema

Pinagtibay ng Korte Suprema ang desisyon ng Sandiganbayan sa kasong sibil kaugnay sa ill-gotten wealth o nakaw na yaman ng Pamilya Marcos.

Sa desisyon ng 1st Division ng Supreme Court noong March 29, ibinasura ng husgado ang petition for certiorari ng Presidential Commission on Good Government (PCGG) laban sa pagpabor ng Sandiganbayan sa mga respondent na sina Bienvenido Tantoco Jr., Dominador Santiago, Ferdinand Marcos, Imelda Marcos, Bienvenido Tantoco Sr., Gliceria Tantoco, at Maria Lourdes Tantoco-Pineda

Ayon sa Korte Suprema, bigo ang PCGG na magpakita ng sapat na ebidensiya para patunayan ang kanilang alegasyon.


Matatandaang sa orihinal na desisyon ng Sandiganbayan, sinabi ng anti-graft court na hindi napatunayan ng PCGG na nagsilbing dummies ng Marcoses ang mga respondent.

Kabilang dito ang alegasyong napunta kay dating First Lady Imelda Marcos ang 5% ng franchise tax na binayaran ng Duty Free Shops.

Nabigo umano ang mga ito na suportahan at patunayan ang mga alegasyon laban sa respondents kahit pa may mga hinarap na testigo ang gobyerno.

Facebook Comments