
Naniniwala si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na walang epekto sa kaso ng korapsyon ni Vice President Sara Duterte ang pagbasura ng Korte Suprema sa articles of impeachment.
Sa Kapihan sa Media sa India, sinabi ng Pangulo na ang tanging idinismiss lamang ng Korte Suprema ay ang umano’y maling proseso ng Kamara sa paghawak ng impeachment complaint.
Pero hindi aniya ito nangangahulugang abswelto na si VP Sara sa mga isyu ng korapsyon dahil hindi naman ito sinilip ng Korte.
Sa usapin naman ng alegasyon ng korapsyon, sabi ng Pangulo, trabaho na ito ng Commission on Audit at bahala na aniya ang Kongreso na umaksyon.
Facebook Comments









