Umaasa ang Commission on Elections (COMELEC) na maagang ilalabas ng Supreme Court (SC) ang ruling nito sa petition na pinadedeklarang unconstitutional ang Republic Act No. 11935 o postponement ng Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).
Ayon kay COMELEC Chairman George Erwin Garcia, sinabi ng Korte Suprema na sila mismo ang hahawak sa mga kasong may kinalaman sa national interest, kung saan kabilang ang postponement ng BSKE.
Sa petisyon na inihain ni Election Lawyer Romulo B. Macalintal, sinabi sa SC na ang mandato para i-postpone ang eleksyon ay nasa exclusive jurisdiction of COMELEC.
Idiniin din ni Macalintal na bagama’t binibigyan ng konstitusyon ang Kongreso ng kapangyarihang matukoy ang termino ng mga barangay officials ay wala sa mandato nito na i-postpone ang barangay elections o i-extend ang termino ng mga opisyal nito.