Desisyon ng Senado sa prangkisa ng Mislatel, ilalabas sa susunod na linggo

Manila, Philippines – Plano ni committee on public services chairperson Senator Grace Poe na ilabas sa susunod na linggo ang committee report kaugnay sa ginawa nitong pagdinig ukol sa Mislatel consortium na napili bilang ikatlong player sa telecommunications industry.

Pangunahing lalamanin ng committee report ang rekomendasyon kaugnay sa kinukwestyong prangkisa ng Mindanao Islamic Telephone Company o Mislatel.

Ayon kay Poe, ilalatag din nya sa plenaryo ang resolusyon ng Mababang Kapulungan na nagsapinal sa bentahan ng ‘controlling interest’ ng(Mislatel) sa negosyanteng si Dennis A. Uy ng Davao.


Sabi nito Poe, ito ay upang mabigyan ng pagkakataon ang mga senador na lubusang matalakay ang mga masalimuot na isyung bumabalot sa ligalidad ng prangkisa ng Mislatel.

Facebook Comments