Desisyon ng Supreme Court ukol sa impeachment kay VP Duterte, talo ang taumbayan

Para kay Akbayan Party-list Rep. Chel Diokno, talo ang taumbayan at talo ang pananagutan sa desisyon ng Supreme Court (SC) na ideklarang unconstitutional ang impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte.

Giit ni Diokno, ang proseso ng impeachment laban kay VP Sara ay sumunod sa itinatakda ng konstitusyon, kung saan ang reklamo ay binerepika at inendorso ng higit pa sa one-third ng mga kongresista.

Bunsod nito ay tiniyak ni Diokno, na kasama ang taumbayan, ay hindi sila titigil manawagang panagutin ang dapat managot.

Sabi ni Diokno, patuloy silang makikipag-ugnayan sa civil society at reform-minded leaders para ipagtanggol ang demokrasya at tiyaking mananaig ang katotohanan at hustisya.

Facebook Comments